Phone call :)
Parang ang saya ng feeling. Tinawagan ko kasi yung papa ko, kung nagtataka kayo kung bakit ko siya tinawagan………………. Kasi wala siya dito, nandun siya sa far away place. Sa bahay nila sa Cebu. Mag tri-3 months na siyang nandun. Don’t ask me why, kasi hindi ko din alam :) Charaught Eto na yata pinaka-matagal naming usap eh. Estimated time: 1hr. Last tawag ko is last month pa and saglit lang yun mga 10 mins ata. Wala lang, nais ko lang i-share :)
I’m home alone.
time to start my concert
via sodamnrelatable
What an experience.
Okay. Kanina nag simula na yung math plus ko. Umalis kami ng kuya ko sa bahay ng 12:15 pm. Bawat sakay namin tinitignan ko yung oras kasi baka ma-late ako, ayoko naman ma-late sa first day noh. Edi ayun 1:35 pm dumating na kami sa Mapua, pag dating ko sa harap ng room ko, tinignan ko yung loob. Ang daming tao kaya nahiya ako pumasok, sabi ni kuya “okay lang yan, wala pa naman yung prof kaya pasok na.” Edi ayun pumasok ako, pag pasok ko hala all eyes on me ang peg ko. Lahat sila naka tingin saakin, nakakailang tuloy. Halos occupied na yung seats kaya sa harap na ako umupo, sa harap pa ng table ng prof! Haha! After 5 mins pumasok na yung prof, sinulat niya sa board yung pangalan niya and then nag pakilala siya. Medyo may kahinaan yung boses niya pero tama lang na marinig ng lahat, mukha namang hindi siya isa sa mga terror prof o isa sa mga LEADS :) Feel ko lang yun.
Anyways balik tayo sa klase ko, wala akong kinausap haha! As in, ang tahimik din ng klase namin, well first day pa lang naman, kaya siguro ganun pero eventually magiging friends din kami sa klase. Tapos yung prof naman namin eh… dadalawang examples lang next topic agad! Mga 9 topics ata yung na discuss namin. Ako naman nag susulat, lahat naman ata kami, pero itong katabi ko eh konti lang yung sinusulat, siguro examples lang or hints lang yung sinusulat nya? Aba mathematician :) Eto pa, sumakit yung pwet ko sa mahigit 3 hrs na nakaupo, woo. Tapos gumawa na kami ng exercises, habang busy kami at nag iisip ng sagot, may mga Mapuans na pumasok sa room namin at nakipag chikahan sa prof, astig lang eh haha. Tapos dinismiss kami 30 mins before the time :) Oh diba bongga!? edi ayun, inantay ko si kuya kasi nasa SM Manila siya eh, gumagala haha. Since waking distance lang yung SM sa Mapua dun siya tumambay while waiting for me :)
Edi ayun, tinext ko na siya na tapos na yung klase ko, gutom na gutom na ako nun and gusto ko na umuwi. Ang tagal tagal tagal ni kuya. Gutom na ako. Nako po. Edi pumunta ako sa canteen nag hanap ako ng makakain pero in the end, hindi din ako bumili. I wonder why? Tapos ayun umupo ulit ako sa inuupuan ko kanina, mayamaya dumating na si kuya at umalis na kami. Ayun pinayuhan niya ako na wag sasakay ng pedicab kahit anong mangyari, kasi kurakot daw yung mga pedicab driver dun.
Nag lakad kami papunta sa “tunnel” (wow tunnel haha) tapos lakad ulit, nakakapagod :)) Ayun nasa train station na kami, tapos nakita ni kuya yung mga classmate niya nung 1st and 2nd term sa iba’t ibang subjects. Ako naman yung kinulit nung dalawa nyang classmate na babae. Ang kulit nga nila eh, habang pinapakinggan ko silang apat mag-usap natatawa rin ako, ang hilig nilang mag biro haha. Tapos tinanong nila ako kung sa Mapua din daw ba ako, di ako nag salita, tumungo lang ako haha. Tapos sabi ni ate zel “nako kim, wag ka dun. Ako na nag sasabi. Grabe mahirap maka survive” tapos sabi ni kuya “Hindi kim. Dun ka, wag ka makinig dito *sabay turo kay ate zel*” Edi ayun nag paluan na sila :)) Tapos habang nag uusap sila di ako maka relate kaya naman tinitignan ko nalang kung nandyan na yung tren.
Grabe. Naka 7 ata kami or 8 na tren na pinadaan lang namin sa harap namin, di kami sumakay kasi naman wala nang pwesto! Wala na. Punong puno, parang sardinas lang eh. Eto pa, yung pang 6 (?) na tren, trinay namin sumakay lahat kaming 5. Eh ang nangyari si ate pat nasa loob na, tapos kami hindi na mag kasya kaya lumabas kami tapos si ate pat lalabas narin sana KASO nasarahan na siya! Tawa sila ng tawa sa reaction niya. Ako naman napatawa din. Tapos tinawagan ni ate zel si ate pat na mag kita sa U.N Station, nasa Central kami nung time na yun. Ayun yung sumunod na tren, dun na kami sumakay. Buti nalang medyo maluwag kasi baka mag antay ng matagal si ate pat dun. Ang babait nga nila eh. Haha imbis na kapwa frosh ko yung kinaibigan ko sa first day, naging mga ka-level ng kuya ko yung naging kaibigan ko :)
Eto na. The super duper hirap part.
Nag part na kami ng ways namin bye bye na mga ‘friends’ haha :)) Kami ni kuya nasa EDSA na kami. Pahirapan lang ang sakay, grabe. Walang FTI!! Wala akong nakikitang FTI sign sa mga jeep! Kaya pahirapan talaga. Edi ayun lakad lakad lakad lakad… hanggang sa may nakita kaming FTI pero puno na! WTH!? Tapos lakad ulit, lakad lang ng lakad habang tumitingin ng mga signs sa jeep. Tapos wala parin! Grabe, mag iiba na sana kami ng sasakyan, since si kuya sanay na sa mga ganito eh alam na niya yung iba’t ibang route. Tapos lakad ulit, lakad nanaman hanggang sa umulan! Actually ambon lang haha! Inexaggerate ko lang :)) Pero after………. mga 10 mins siguro, tumigil na din. Pero wala padin kaming nakikitang FTI! WTH ulit! Malapit na malapit na kami sa MOA. As in. Konting konti nalang! Yung sinabi ni kuya na “kim mag sucat nalang tayo, matatagalan tayo pag nag FTI tayo” Eh mga gabi na kasi yun, mga 7:30 na, kaya siguro naisip ni kuya yun para makauwi na kami kasi nga GABI NA. Yung time na mag su-sucat nalang kami, nag hanap na kami ng jeep na may nakalagay na ‘sucat’ eh wala din. Maya maya nakakita si kuya ng jeep na BAKANTE tapos nakalagay FTI. Takbo kami oh! Grabe talaga, pag dating namin sa may jeep may mga kasabayan din kaming tumatakbo! Buti nalang at naka sakay na din kami ni kuya. Pagod na pagod na kami after 2 hrs na pag lalakad at pag hanap ng jeep, nakahanap na din kami. Buti nalang may dala akong tubig kung hindi di ko kakayanin yun :) Syempre di ko pwedeng solohin yung tubig ko noh. Di lang ako ang pagod :) Naka apat na beses si mama na tumawag saamin, worried na siguro yun. ayun inexplain ko yung mga nangyari habang nasa jeep kami haha syempre ingat na ingat ako dun sa cellphone ko, nasa jeep kami eh baka may humablot sa labas. Tapos ayun nakarating na kami sa home sweet home namin na super pagod ang sakit ng katawan lalo na yung legs, 2 hrs ba naman eh?!
That end our story! That’s all folks!
(Haba noh? Haha nasa mood pa ata akong mag type ah?)
Noong isang araw, magkatext kami nung kaibigan ko (ex ko pala) Ayun bigla niyang nasabi
“Why kim? You don’t have feelings for me anymore? Sabihin mo lang para titilig na ako. Joke lang! :P Meron man o wala, di ako titigil”
HUUHH? Okay ka lang?
Btw sabi ko “Wala na”
Barajou no Kiss


Otaku mode ON|OFF
Ang ganda talaga netong manga na to! Ang masasabi ko lang eh ang tagal tagal mag update! Ang tagal mag release ng bagong chapter, nakakainip. Apat na buwan na akong nag aantay ah. ~EnFyeRnyeehsS~ ang tiyaga ko :) Oo, mahilig ako mag antay, sa wala. CHARAUGHT. Nagtataka ako kung bakit ang bagal nila mag update eh samantalang dati medyo okay naman. SANA MAG UPDATE NA KAYO PLEASE.







